Si Salvatore Cascone ay isinilang sa Ragusa noong ika-29 ng Hunyo 1904 sa isang napakadisenteng pamilya na nasa hanay ng mga manggagawa.
Simula sa pagkabata nagpakita siya ng isang espesyal na bokasyon para sa pagpipinta subalit ang sitwasyon ng pamilya at ng lugar ng kapanganakan, kung saan walang matatagpuang paaralan sa Sining, ay naging hamon sa kanya upang ipagtuloy ang kanyang bokasyon: isang hamon na nalagpasan nang mag-aral sa isang paaralan sa Sining sa kalapit na lungsod ng Camiso.
Nagpatuloy sya, kawangis ang mga malalaking sakripisyo, sa “Beato Angelico”, isangMataas na Antas ng Paaralan sa Sining ng Kristiyanona nasa Milano. Dito siya nag-aral simula taóng 1926 hanggang taóng 1930, nakamit nya ang pagpapahalaga ng Arkitekto at Pintor na si Monsinyor Giuseppe Polvara na noon ay Pinuno ng nasabing Paaralan, na pinahalagahan ang kanyang mga artistikong katangian kaya naman pinagkatiwala sa kanya ang mga gawaing makabuluhan at mga mabibigat na pananagutan.
Matapos makamit ang titolong Maestro Pintor, si Salvatore Cascone ay nanatili sa Milan, nagturo ng pagdidisenyo at pagpipinta sa parehong eskuwelahan, ang Beato Angelico. Sa panahong iyon, marami siyang napintahan na mga simbahan sa Rehiyon ng Lombardia, sa Cernusco sul Naviglio ng Milan at Venegono Inferiore ng Varese.
Sa mga kadahilanang pampamilya, lumipat siya sa Sicilia noong taóng 1936, kung saan kaniyang naisakatuparan ang karamihan sa kanyang mga gawaing artistiko.
Higit nyang inilaan ang kaniyang sarili sa pagdedekorasyon at pagpipinta ng mga simbahan sa istilong fresco: ang istilong ito ang nagbigay sa kanya ng lubos na kasiyahan: ang pagkakaroon ng mga naglalakihang pader para sa kanyang mga kathang isip at mga saloobin kasama ng mga makabuluhang komposisyon. Marami siyang napintahan na mga simbahan sa rehiyon ng Sicilia (sa Ragusa, Messina, Siracusa, Noto, Caltanissetta) at sa rehiyon ng Calabria.
Bagama’t nakatuon siya sa pagpipinta ng fresco, hindi niya kinaligtaan ang pagpinta gamit ang langis at ang kabalyete
Sa kanyang mahabang karera sa larangan ng Sining, matagumpay rin niyang naitayo ang iba’t-ibang ekshibisyon.
Si Salvatore Cascone ay pumanaw noong ika-18 ng Mayo 1996 sa gulang na 92 sa Santa Agata Li Battiati (Catania) na inaruga ng may buong pagmamahal ng kanyang anak na babae na si Maria Carmela na siya niyang nakasama sa mga huling taon ng kanyang buhay.